KINUMPIRMA ang Iloilo City Health Office na umabot na sa anim ang kaso ng monkeypox (Mpox) sa lungsod.
Lima sa mga kaso ay lalaki at isa ay babae.
Stable ang kalagayan ng lahat ng pasyente at kasalukuyang naka-isolate habang nagpapatuloy ang contact tracing at monitoring upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng sakit.
Samantala, Ang unang kaso ay naitala noong Mayo 28 at tuluyan nang gumaling noong Hunyo 5 matapos ang labing isang araw na isolation.
Dahil dito lalo pang pinaigting ng lokal na pamahalaan ang kanilang surveillance at health advisory.
Kasabay nito, hiniling ng CHO na payagan ang Uswag Molecular laboratory sa Molo na magsagawa ng Mpox testing upang mapabilis ang pagproseso ng mga specimen.
Patuloy naman na nananawagan ang lokal na pamahalaan sa kooperasyon ng publiko upang mapanatili ang kalusugan at kaligtasan ng buong lungsod.
Para sa mga makakaranas ng sintomas, hinihikayat ang agarang pagpunta sa pinakamalapit na health center.