6 katao, kumpirmadong nasawi sa sunog sa Arlegui St. Quiapo Manila

6 katao, kumpirmadong nasawi sa sunog sa Arlegui St. Quiapo Manila

ANIM na ang kumpirmadong nasawi sa naganap na sunog sa isang residential area sa Arlegui Street sa Quiapo, Maynila kaninang madaling araw.

Ayon sa Bureau of Fire Protections (BFP), lima sa mga biktima ay mula sa iisang pamilya.

Pasado ala-una ng hapon nang mailabas ang mga labi ng anim na kumpirmadong nasawi.

Bukod sa mga nasawi, apat ang naitalang nasugatan sa sunog habang mahigit 500 pamilya ang apektado at nasa 30 bahay naman ang natupok.

Base sa ulat ng BFP, alas 2:34 ng madaling araw nang magsimula ang sunog na umabot ng ikatlong alarma habang alas 8:10 na ng umaga nang ideklara itong fire out.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad sa dahilan ng sunog.

Follow SMNI NEWS in Twitter