6 na Kurdish fighters, nasawi sa isang drone attack sa Eastern Syria

6 na Kurdish fighters, nasawi sa isang drone attack sa Eastern Syria

NASAWI ang anim na allied Kurdish fighters matapos ang isang drone attack sa military base ng Estados Unidos sa eastern Syria.

Nangyari ang latest drone attack nitong Linggo, Pebrero 4, 2024.

Naniniwala ang Syrian Democratic Forces na ang mga militante ang may pakana nito.

Sa isang video naman ng Islamic Resistance, isang grupo ng Iraqi militias na suportado ng Iran, sinabi rito na sila ang nasa likod ng drone attack.

Noong buwan ng Enero ay naglunsad na rin ng isang drone attack ang nabanggit na grupo sa Jordan na ikinamatay ng tatlong US troopers at ikinasugat ng marami.

Ang mga pag-atake ay bunsod ng nangyayaring kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas militant group ng Palestine simula pa noong Oktubre 7.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble