Commercial ship ng Estados Unidos sa Red Sea, panibagong inatake ng Houthi rebels

Commercial ship ng Estados Unidos sa Red Sea, panibagong inatake ng Houthi rebels

IBINUNYAG ng Houthi rebels ng Yemen na inatake nila ng missiles ang isang merchant ship ng Estados Unidos sa Red Sea nitong Miyerkules, Enero 31, 2024.

Ang barko na Koi na ang pinakalatest na commercial shipping na inatake ng Houthis.

Ayon sa Reuters, isang Liberian-flagged container ship ang Koi at ino-operate ito ng Oceonix Services, isang UK-based shipping company.

Ito rin ang kompanyang nag-ooperate ng oil tanker na Marlin Luanda na kung matatandaan ay una nang inatake ng militanteng grupo.

Sinasabing inaatake ng Houthis ang British at American ships sa Red Sea hanggat magpapatuloy rin ang pakikipaglaban nito sa kanila kasunod ng kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas militant group ng Palestine.

Sa kabilang banda ay naglunsad rin ng panibagong air strike ang Estados Unidos sa Yemen.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble