6 communist terrorist kabilang ang mataas na opisyal, nahuli ng CIDG

6 communist terrorist kabilang ang mataas na opisyal, nahuli ng CIDG

SA isang presentasyon ngayong araw PNP-CIDG arestado ang anim na communist terrorist kabilang ang isang mataas na opisyal ng CPP-NPA-NDF sa operasyon sa Quezon City at Bulacan.

Kinilala ang nahuli na si Gil Peralta, isang regular na CPP Central Committee member na kabilang sa convenors ng CPP 2nd Congress.

Natiklo si Peralta na nahaharap sa kasong arson at frustrated murder sa kanyang inuupahang bahay sa Barangay Maribolo, Quezon City.

Samantala, nahuli rin ang limang personalidad ng CPP-NPA-NDF sa Barangay San Vicente, Santa Maria, Bulacan.

Sa ekslusibong panayam ng SMNI News kay CIDG Chief Police Major General Albert Ferro, tiniyak nito na agad na isasagawa ang paghalughog sa iba’t ibang parte ng Kalakhang Maynila lalo na sa mga rehiyon sa bansa na may natitira pang impluwensiya ng CPP-NPA-NDF.

Napansin ang pagkakarekober ng ilang tarpaulins at paraphernalia na galing mismo sa Gabriela Party at Bayan Muna.

Nakuha sa kanilang ang ilang armas, hand grenades, improvised explosive devices (IEDs), blasting cap at iba pa.

Mahaharap ang mga nahuling communist terrorist sa pagtung-patong na kasong kriminal.

 

SMNI NEWS