Recruitment ng CPP-NPA-NDF sa mga estudyante sa Amerika, isiniwalat ni PBGen Eric Noble

Recruitment ng CPP-NPA-NDF sa mga estudyante sa Amerika, isiniwalat ni PBGen Eric Noble

TAHASANG inilahad ni PBGen Eric Noble, Director ng PNP Police Community Action Group ang underground recruitment ng CPP-NPA-NDF sa mga unibersidad sa Amerika.

Ayon kay Noble, kaawa-awa ang sinapit ng ating mga kabataan na mga estudyante sa Amerika sapagkat sila ay mga biktima lamang sa mga panlilinlang ng komunistang teroristang grupo.

Kitang-kitang sa ipinalabas na footage ang isang babae, na kung titignan ay parang estudyante pa lamang, walang respetong sinisigawan nito ang grupo ng mga indigenous peoples na nananawagan ng tulong dahil sa karahasan at kalapastanganan na ginagawa ng komunistang teroristang grupo sa kanilang tribo.

Isa lamang ito sa marami pang istorya ng ating mga katutubong Pilipino na umaasa na magkaroon ng hustisya sa kasamaang patuloy na ginagawa ng CPP-NPA-NDF.

Isa sa mga saksi sa nangyaring press conference ay si PBGen Eric E. Noble na naging Philippine government police attached sa USA.

Ayon kay Noble ang mga nangyayaring pambabastos at iba pang mga gawaing makakaliwa ay isa lamang utos mula sa kanilang organisasyon gaya na lamang ng Bayan USA.

Ang mga nabanggit na pangalan ni Noble na si Rhonda Ramiro ay ang kasalukuyang presidente ng Bayan USA at si Bernadette Ellorin ay ang spokesperson.

Kasama sa isinilwalat ni Noble sa naging programa ng SMNI na Laban Kasama ang Bayan ay ang ginagawang recruitment sa mga unibersidad sa America CPP-NPA-NDF.

Ayon kay Noble isang instrumento sa kanilang pangre-recruit ay ang mga mga websites gaya ng, ANAK BAYAN USA, League of Filipino Students at BAYAN USA.

Dagdag pa ni Noble na marami na umanong nalinlang na mga kabataan ang mga nabanggit na personalidad mula sa mga organisasyon ng makakaliwang grupo.

Ayon kay Noble, si Amado Cannham Rodriquez alyas “Allen” ay isang patotoo sa nangyayaring recruitment sa San Francisco State University na naging miyembro ng New People’s Army (NPA) na namatay dahil sa sakit sa Mindoro.

Maliban Kay Cannham isa rin sa na recruit ay si Brandon Lee na estudyante rin ng San Francisco State University na miyembro ng Ifugao Peasant Movement na nasawi dahil sa pamamaril ng isang taong hindi pa rin kilala.

Pero dahil sa laban na ginagawa ng ating pamahalaan sa tulong ng NTF-ELCAC at Executive Order 70 na Whole of Nation Approach at sa impormasyon sa ibinibigay sa mga propaganda ng makakaliwang grupo, malaki-laki na rin ang naitulong para maliwanagan ang mga kababayan sa Estados Unidos sa panlilinlang ng CPP-NPA-NDF.

SMNI NEWS