GUMAWA ng sulat ang 6-year old na dating estudyante ng Jose Maria College (JMC) na ngayon ay nasa Estados Unidos na tungkol sa mga nangyayari ngayon sa loob ng KOJC compound.
Ayon sa ina ng bata, nagtatanong ang kaniyang anak kung bakit sinisira ng kapulisan ang kaniyang dating paaralan kung saan siya may magagandang alaala.
Hiling ng mag-ina na sana matapos na ang kaguluhan na dala ng kapulisan sa loob ng KOJC compound.
Nasa ika-8 araw na ang ilegal na operasyon ng kapulisan, at marami na silang nilabag na karapatang pantao sa KOJC missionaries.
Ano nga ba ang tunay na layunin ng Philippine National Police sa loob ng KOJC compound?