NAG-deploy ang Philippine National Police (PNP) ng 6,000 pulis sa iba’t ibang tourist destinations dahil sa kaliwa’t kanang fiesta ngayong Mayo.
Ito ang kinumpirma ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo bilang bahagi ng ‘Oplan Ligtas Sumvac 2023’.
Ayon kay Fajardo, kabilang sa binabantayan ng mga pulis ang mga pangunahing tourist destinations ng Boracay, Palawan, at Siargao na dinarayo ng mga turista.
Nais aniyang matiyak ng mga pulis na magiging ligtas ang mga lansangan at transportation hubs para sa mga biyahero.
Mahigpit na ipatutupad ng lahat ng regional at provincial police offices ang contingency plan at maximum police visibility kontra krimen.