AABOT na sa mahigit 62 milyon ang nairehistrong SIM sa bansa hanggang nitong Biyernes.
Ito ay 36.79% lamang sa mahigit 168 milyong subscriber sa buong bansa.
Sa nasabing bilang, nangunguna ang Smart na may pinakamaraming nakarehistro na aabot sa 31 milyon, Globe na may mahigit 26 milyon at ang Dito Telecommunication na may higit 4 milyon.
Muli namang iginiit ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na wala nang extension sa April 26 na deadline sa SIM registration.
Sa ngayon ay may 15 araw na lang na natitira para dito.