WALANG naitalang side effects ang isang 62-years old na lalaking German kahit nakapagpabakuna ito ng nasa 217 beses ng iba’t ibang COVID-19 vaccines.
Ayon ito sa The Lancet Infectious Diseases Journal at ang lalaking ito na nga ang tinaguriang “most vaccinated person in history”.
Sa mga pag-aaral din ng University of Erlangen- Nuremberg ng Germany, walang senyales ng nararanasang fatigue ang German.
Bagkus, lalo pang napapalakas ang antibodies nito kontra COVID-19 at sa katunayan, hindi pa siya nagpositibo sa virus o kahit nagkaroon ng anumang past infection dito.
Sa huli, bagama’t positibo ang epekto nito sa naturang German ay hindi pa rin hinihikayat ng mga scientist ang pagsasailalim sa hyper vaccination.