NAKATAKDANG maghain nang sabay-sabay ng kanilang courtesy resignation ang mga matataas na opisyal ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ngayong araw.
Pangungunahan mismo ito ni NCRPO chief PMGen. Jonnel Estomo, 5 district directors at chiefs of police.
Gagawin ang seremonya sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.
Tugon ito sa panawagan sa kanila ni Interior Secretary Benhur Abalos na magbitiw na lamang sa pwesto kung may kinalaman sila sa iligal na droga.
Nauna nang naghain ng kanyang courtesy resignation si PNP chief PGen. Rodolfo Azurin Jr. at kanyang Command Group.
Naniniwala ang pamunuan ng PNP na magandang oportunidad ito para sa kanila na tuluyang malinis ang kanilang hanay sa isyu ng iligal na droga at mawala na ang duda ng publiko sa kapulisan.