NAKATANGGAP ng titulo ng lupa mula sa Department of Agrarian Reform (DAR) ang 670 magsasaka at dating rebelde sa bayan ng Naguilian lalawigan ng Isabela.
Ipinagkaloob ng DAR ang certificate of land ownership sa mahigit 600 magsasaka kabilang na ang mga dating rebelde na nagbalik loob na sa pamahalaan sa lalawigan ng Isabela.
Pinangunahan ni DAR Secretary John Castriciones ang distribusyon ng 670 Certificates of Land Ownership Award (CLOAS) sa mga magsasaka at dating mga rebeldeng benepisyaryo sa Barangay Villapaz, Naguilian, Isabela ika-1 ng Hulyo.
Ayon kay Castriciones aabot sa 840.6961 ektarya ng lupang sakahan ang ipinamahaging lupa sa mga magsasaka kabilang na ang mga kagamitan pangsaka habang nasa 15.4366 ektarya ng lupa naman ang ipinamahagi sa mga dating rebelde.
Ipinagkaloob din ang 43 units ng brand new motorcycles with sidecars na mas kilala sa probinsya sa tawag na “kolong-kolong” gayundin ang 2 units ng multi-purpose vans at farm tractor para sa farmers organization.
Pahayag pa ni Castriciones na “triple time” ang kanilang ginagawang pagtatrabaho na nag resulta ng maraming distrubusyon ng lupa ngayong taon.
Dagdag pa ng kalihim, sila ay nagsusumikap sa pagkuha ng lupa at pamamahagi nito, pagtulong sa mga beneficiary ng repormang agraryo na nangangailangan ng ligal na interbensyon at pagbibigay ng serbisyong pang imprastraktura gayundin ang pagbabahagi ng kakayahan sa pagbuo ng agri -business at rural development.
Samantala, maliban sa distribusyon ng lupa ay kabilang din sa aktibidad na pinangunahan ni Castriciones ang groundbreaking at memorandum-signing ng 150 bahay sa Balai Farmers Housing Project sa Villapaz Village ng lugar.
(BASAHIN: Mga pamilyang nawalan ng bahay dahil sa landslide napagkalooban ng lupa sa Isabela)