69 anyos na ina, pinatay ng adik na anak sa Kidapawan City

69 anyos na ina, pinatay ng adik na anak sa Kidapawan City

ISANG 69 anyos na ina na si Mila Lagutin Cinco ang biktima ng pananaksak mula sa kaniyang anak na lulong sa ilegal na droga.

Nangyari ang insidente nito lamang Linggo, Oktubre 13, 2024, sa tahanan nito sa Brgy. Gayola, Kidapawan City, Cotabato.

Nagkaroon ng alitan ang dalawa, hanggang sa nauwi sa paghampas ng kahoy sa ulo ng biktima at kalauna’y tinadtad ng saksak sa katawan.

Kinilala ang anak na suspek na si Emillano Lagutin Cinco na kasalukuyang nasa piitan.

Ayon sa impormasyon lulong sa alak at paggamit ng ilegal na droga ang suspek.

Sinubukan pang tumakas ng suspek ngunit na-corner din ito sa tulong ng mga residente at opisyal ng barangay at agad dinala sa kostudiya ng Kidapawan City Police habang isinampa na rin ang kaukulang kaso laban dito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble