BUMABA ang 7-day positivity rate sa National Capital Region (NCR).
Iniulat ni Octa Research fellow Dr. Guido David na bumaba sa 15% ang 7-day positivity rate sa NCR nitong Oktubre 15 mula sa 17.9% noong Oktubre 8.
Habang na-obserbahan naman ang mahigit 20% o very high positivity rates ang pito pang probinsya.
Ito ay ang Camarines Sur na may 46.2%, Cavite na may 22.8%, Laguna na may 21%, Rizal na may 22.1%, South Cotabato na may 26.9%, Tarlac na may 41.6% at Zambales na may 22%.
Ang positivity rate ay tumutukoy sa dami ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19 mula sa mga sumasailalim sa COVID testing.