MALUGOD na tinanggap ng AFP Western Mindanao Command (WestMinCom) ang pagsuko ng 7 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Brgy. Zapakan, Rajah Buayan, Maguindanao del Sur.
Kabilang sa mga sumukong personalidad ay si Bendal Kalim Alim, alyas Miranda, ang pinuno ng isang subgroup ng BIFF-Karialan Faction.
Ibinaba rin nila ang 2 M14 rifle, isang M16A1 rifle, isang M79 Grenade Launcher, at isang 60mm mortar.
Naging posible ito kasunod ng pinaigting na intelligence at civil-military operations.
Nitong Disyembre 9, nasa 44 BIFF ang sumuko sa militar sa Kabacan, Cotabato.
Iginiit ni AFP WestMinCom acting commander Marine Brigadier General Arturo Rojas na ang pagdagsa ng pagsuko ng BIFF ay resulta ng whole-of-nation approach ng gobyerno para isulong ang kapayapaan.