NASA pitong miyembro ng communist terrorist group (CTG) na CPP NPA ang sumuko sa 8th Infantry Battalion sa ilalim ng 4th Infantry Division na pinamumunuan ni Brigadier General Michele Anayron Jr.
Bitbit ng mga sumuko ang limang matataas na kalibre ng armas.
Ang pagsuko ng mga rebelde ay dahil sa matagumpay na negosasyon ng mga miyembro ng Modified Community Support Program (MCSP) Team na idineploy sa Sitio Ulayanon, Brgy. Kalabugao, Impasug-ong, Bukidnon.
Ang pitong sumuko ay pawang miyembro ng Headquarters Force NEO ng North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC) ng komunistang teroristang grupo na nag-ooperate sa lalawigan ng Bukidnon, Misamis Oriental at ilang bahagi ng Caraga Region.
Ayon kay LtCol. Anayron na napagdesisyonan ng mga rebelde na sumuko sa pamahalaan dahil sa sobrang pagod at matinding gutom na dulot ng focused military operations sa nasabing lugar at dahil na rin sa kawalan ng suporta mula sa masa.