7 miyembro ng CTGs mula sa Caraga Region, sumuko

7 miyembro ng CTGs mula sa Caraga Region, sumuko

NASA pitong mga dating miyembro ng communist terrorist groups (CTGs) mula sa lalawigan ng Agusan del Norte at Surigao del Sur sa Caraga Region ang sumuko sa tropa ng pamahalaan sa dalawang magkakasunod na araw.

Ang pagsuko ng mga dating terorista ay bunga ng joint intelligence operations na ginawa ng 4th Infantry Division sa nasabing rehiyon.

Base sa inilabas na impormasyon, sa Purok 1, Brgy. Magroyong, San Miguel, Surigao del Sur nasa apat na terorista ang nagbalik loob sa pamahalaan, kasama nilang isinuko ang dalawang AK47 rifles.

Habang sa Cabadbaran City at Kitcharao, sa Agusan del Norte naman, tatlong rebelde ang sumuko sa 901st Infantry Brigade kasama ang apat na armas.

Sa isang pahayag, pinuri ni MGen. Jose Maria Cuerpo II, commander ng 4th infantry Division ang naging katagumpayan ng joint intelligence operations ng mga yunit sa ilalim ng 901st at 401st Brigade dahil naging epektibo ang kanilang ginawang pakikipagnegosasyon sa mga natitirang miyembro ng komunistang teroristang grupo sa kanilang lugar.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble