ISA na namang mass shooting sa Estados Unidos at ang insidente ay nangyari sa loob mismo ng Walmart Store sa Chesapeake, Virginia.
7 ang naiulat na patay kabilang ang suspek na kinilala bilang isa sa mga manager nito habang ang 6 na biktima ay mga empleyado ng merkado.
Isang empleyado ng Virginia Walmart na kinilala bilang overnight manager ng tindahan ang bumaril at pumatay ng 6 na katao Martes ng gabi ilang araw bago ang thanksgiving holiday sa Amerika.
Noong Miyerkules, nakumpirma ng mga imbestigador na 6 na empleyado ang napatay at 4 ang naospital sa pag-atake na noo’y nasa breakroom ng Walmart Store, alas-dies ng gabi sa Virginia.
Kinilala ang mga biktima na sina Lorenzo Gamble, Brian Pendleton, Kellie Pyle, Randall Blevins and Tyneka Johnson at isang hindi pinangalanang 16-taong gulang na biktima.
Kinilala ang suspek na si Andre Bing.
Sinabi ng pulisya na gumamit ang suspek ng pistol na baril sa pag-atake.
Hindi rin malinaw ang motibo ng pag-atake.
Sa isang Tweet, tinawag ni U.S. President Joe Biden, ang insidente bilang marahas at walang kabuluhan lalo pa’t isang mass shooting din ang naganap sa University of Virginia noong nakaraang linggo na pumatay sa 3 football players nito.
Ang Walmart Store ay isa sa pinakamalaking pamilihan sa Estados Unidos at isa sa mga pangunahing shopping center ng karamihan sa Amerika ngayong thanksgiving dahil sa Black Friday Sales nito.
Ang mass shooting sa Walmart Virginia ay ang pinakabago sa serye ng mga mass shootings sa mga pamilihan sa Amerika sa mga nakaraang taon.