Resulta ng midterm election ng Estados Unidos, inaantabayanan

Resulta ng midterm election ng Estados Unidos, inaantabayanan

MILYUN-milyong mga Amerikano ang dumagsa sa mga botohan kanina upang bumoto para sa midterm election ng Estados Unidos, na tutukoy sa partidong pampulitika na kokontrol sa Kongreso sa susunod na 2 taon ng Amerika.

Ngayong araw isinagawa ang araw ng halalan sa U.S. o midterm election kung saan malalaman ang pinili ng mga Amerikano ang kanilang mga kinatawan at senador sa bawat estado.

Ngunit ang nanalo, maaaring hindi pa opisyal na malalaman ngayong gabi.

Isa ito sa pinakaimportanteng araw sa Amerika sapagkat dito matutukoy kung sino sa Republicans o Democrat Party ang kokontrol sa Kongreso at uukit sa kasaysayan ng bansa.

“Honestly I think it is a scary kind of time for democracy right now in America in the world and even in America and I’m pretty worried about it honestly. I believe there is one – you know, I do not want to get too political I do not know on camera but I definitely believe there is one party that is supporting democracy and another one that is sort of just trying to grab power at any costs right now so I’m a little worried about that,” ayon kay Darren isang botante.

“I think as a younger generation it is important for us to kind of stand up for values that we see are important. I think that the officials in office may be a little dated and so as much as they are wanting to just kind of hold back like progressive movements and stuff,’’ saad ni Asher Botante ng Georgia.

Ang mga posisyong nakataya, 435 puwesto sa House of Representatives, 35 puwesto sa Senado, pati na rin ang ilang maimpluwensyang halalan sa pagka-gobernador sa mga mga tinatawag na battlegrounds ng mga partido tulad ng Arizona, Georgia, Pennsylvania at Wisconsin.

“This is not as simple as a race between Democrats and Republicans, between right and left. And my race is, this a race between right and wrong,” saad naman ni Raphael Warnock ng Georgia.

Mahigit apat na tatlong milyong balota na ang nakuha bago pa man ang araw ng halalan habang milyun-milyon naman ang dumagsa sa mga botohan kanina para bumoto, upang tukuyin ang partidong pampulitika na kokontrol sa agenda ng pangulo sa loob ng 2 taon at magsisilbing referendum ni Biden sa ngayon.

“Well, everyone’s turning. You can just tell with what’s going on in the country that no one is happy. The economy and everything. If your 401K is drained, you’re going to vote the other way, it is what it is. So, hopefully, in the next cycle it gets better and people vote the other way but I think everyone is turning this election,’’ paliwanag naman ni Tom Welling.

Unang nagsara ang mga botohan bandang alas-siete ng gabi sa ilang mga estado tulad ng Georgia, Indiana, Kentucky, South Carolina, Vermont at Virginia habang ang ilang mga estado ay i-nextend ang mga botohan ng mas mahabang oras.

Tinataya rin na ito ang pinakamagastos na mga pangangampanya sa halalan sa kasaysayan ng Estados Unidos.

Ayon naman sa modelo ng halalan ng FiveThirtyEight ay nagpapakita na ang mga Republicans ay may 84 % tsansa na manalo sa Kamara.

Kung mangyayari ito, ang mga prayoridad ng Democrats tulad ng pag-access sa aborsyon, pagtugon sa pagbabago ng klima, at mas mahigpit na kontrol sa baril ay maisasantabi.

Gayunpaman, ayon sa mga eksperto at opisyal ng halalan, ang resulta ng 2022 midterm elections ay hindi pa tiyak ngayong gabi, at maaring malaman pa sa mga susunod na araw o katapusan ng linggo.

Sa pagbukas na mga botohan sa buong bansa, walang malawakang problema na naiulat sa mga balota.

Follow SMNI NEWS in Tiktok