PANGUNGUNAHAN ng Gilas Pilipinas Women ang gaganaping Manila Hustle 3×3 Season 2 ngayong Pebrero 3 at 4, 2024.
Makakasama nila rito ang kapwa Pinoy teams na Uratex Dream, Uratex Tibay, Titans, Army Altama, Discovery Perlas, at Bluefire LPG.
Tampok din sa event ang Dinoman Hansol at Unicle ng Korea; Owls.Exe, Tokyo Dime, at Zoos Tokyo ng Japan; Shoot it Dragons ng Thailand; at Jumpshot ng Singapore.
Maging ang Royals Basketball ng Australia at Shiv Nadar School ng India.
Ang Manila Hustle 3×3 Season 2 ay isasagawa sa SM Mall of Asia Music Hall.