NAKATANGGAP ng regalo mula sa Chinese Embassy ang 700 na pamilya mula sa Payatas Quezon City ilang linggo bago ang Pasko.
Ayon kay Chinese Embassy to the Philippines Director of Media Affairs Wu Chengqi, ang bansang Tsina ay laging kaibigan ng bansa at naging katuwang nito sa paghahatid ng tulong sa mga nangangailangan, nasalanta ng kalamidad at maging sa COVID-19 response.
Saad pa nito, napili nila ang mga taga Payatas dahil alam nila na mas kailangan ng mga taga payatas ang ayuda.
By batch ang naging paraan ng distribusyon ng regalo para matiyak na masusunod pa rin ang social distancing.
Alas diyes ng umaga ng simulan ang pamamahagi ng relief para sa unang batch o sa 350 na pamilya.
Laman ng red na bag na ipinamimigay ay bigas, cooking oil, noodles, fac emask at iba pa na basic necessity ng isang tao.
Ayon sa mga brgy official sa Payatas District 1, hindi nila inaasahan ang tulong mula sa bansang China.
Ang mga benepisyaryo, puno ng pasasalamat sa regalo na kanilang natanggap.
Anila shi shi o thank you sa Chinese Embassy.
Ayon kay Wu Chengqi, Director of Media Affairs, Chinese Embassy to the Philippines, maaring sa susunod na taon ay agad na masusunod ang kanilang naturang relief operations o humanitarian effort sa Metro Manila.