71.6K na posting ng mga alok na trabaho abroad, ipinasara ng DMW

71.6K na posting ng mga alok na trabaho abroad, ipinasara ng DMW

IPINASARA ng Department of Migrant Workers (DMW) ang nasa 71.6K (71,653) na illegal online postings na nag-aalok ng trabaho sa ibang bansa.

Mula sa naturang bilang, 50K (50, 220) ang mula sa Facebook at 21K (21, 433) sa TikTok.

Sa naturang hakbang, mababawasan at maiiwasan na ang mga Pilipino na mabiktima sa scam.

Paalala ng DMW, sakaling interesado na magtrabaho abroad, dapat doon lang sa mga nakalista at lisensyadong ahensya sa kanilang website.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble