TINATAYANG nasa 71 milyong katao ang ‘internally displaced’ sa buong mundo noong 2022.
Batay ito sa joint report ng Internal Displacement Monitoring Centre (IDMC) sa Geneva, Switzerland at ng Norwegian Refugee Council.
Kabilang sa pangunahing dahilan nito ang digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine maging ang malawakang pagbaha sa Pakistan.
Kasama rin dito ang tunggaliang nangyayari sa Democratic Republic of Congo at Ethiopia.
Ayon kay IDMC chief Alexandra Bilak, sobrang taas ng naturang bilang o datos kung ikukumpara sa 38 milyong naitala noong taong 2021.
Inaasahan namang mas tataas pa ang bilang ng internally-displaced ngayong taon dahil sa nangyayaring kaguluhan ngayon sa Sudan.