PALIIT na nang paliit ang mundo para kay suspended Negros Oriental 3rd District Cong. Arnolfo Teves, Jr.
Ito ang pananaw ni Department of Justice (DOJ) Secretary Crispin Remulla, makaraang inilagay na sa ‘blue notice’ ng International Police Organization (INTERPOL) si Teves.
Ibig sabihin aniya, ipapaalam sa Pilipinas ng ibang bansa kapag nasa hurisdiksiyon nila si Teves.
Samantala, iginiit ni Remulla na walang political persecution kay Teves sa halip, ito ay prosecution kaya wala aniyang basehan ang kahilingan nito na political asylum.