NASA 71K mula sa kabuuang 130.7K takers ang nakapasa sa Licensure Exam for Professional Teachers ayon sa Professional Regulation Commission (PRC).
Sa bilang, 20,890 ang nakapasa bilang elementary teachers habang 50,539 ang secondary teachers.
Mula naman sa mga nakapasang elementary teachers, 17,561 dito ang first-takers habang 41,787 ang first-takers sa pasadong secondary teachers.
Ang Licensure Exam ay isinagawa noong Marso 17, 2024.