8 Palestinians, nasawi sa pag-atake ng Israel sa isang paaralan sa Gaza

8 Palestinians, nasawi sa pag-atake ng Israel sa isang paaralan sa Gaza

WALONG Palestinians na naman ang nasawi nitong Linggo, Hunyo 23, 2024 matapos ang isang pag-atake ng Israeli Military sa isang training college sa Gaza City na ginagamit para mamahagi ng tulong.

Ang partikular na paaralan ay ginagamit ng United Nations Relief and Works Agency for Palestine refugees in the near East (UNRWA).

Muling iginiit ng Israeli Military na ginagamit ng Hamas at Islamic Militants ang mga paaralang pinamamahalaan ng UNRWA bilang hideout.

Sinabi naman nila na mayroon na silang ipinatupad na precautionary measures para mabawasan ang pinsala ng kanilang mga pag-atake sa sibilyan.

Sa panig ng Hamas, itinanggi nila ang akusasyong ginagamit nila ang mga paaralan at sibilyan bilang human shield.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble