8 pasahero ng MRT-3 na sumalang sa random antigen test kahapon, nagpositibo sa COVID-19

8 pasahero ng MRT-3 na sumalang sa random antigen test kahapon, nagpositibo sa COVID-19

NAGPOSITIBO sa COVID-19 ang 8 pasahero ng MRT-3 na sumalang sa random antigen test kahapon.

Ito ay mula sa 96 na pasahero ng MRT-3 na sumalang sa libreng random antigen test ng railways system kahapon, Enero 13.

Ang mga nagpositibong 8 pasahero ng MRT-3 ay hindi na pinayagan na makasakay ng tren at pinayuhan na mag-isolate at sumailalim sa confirmatory test.

Mula Enero 11 hanggang 13, pumalo na sa 33 boluntarong pasahero ng MRT-3 ang nagpositibo sa antigen test mula sa kabuuang 288 na sumalang sa pagsusuri.

Ngayong araw, Enero 14, ang huling araw ng unang yugto ng libreng random antigen testing ng railway system.

Muli naman itong gagawin sa Enero 17-21; Enero 24-28 at sa Enero 31 tuwing peak hours mula alas 7 ng umaga hanggang alas 9 ng umaga, at mula alas 5 ng hapon hanaggang alas 7 ng gabi.

SMNI NEWS