8 Pinoy tripulante pinalaya matapos ma-detain sa Malaysia

8 Pinoy tripulante pinalaya matapos ma-detain sa Malaysia

PINALAYA na nitong Abril 18, 2025, ang walong Pilipinong tripulante ng MT Krishna 1 na na-detain sa Kota Tinggi, Malaysia.

Kinumpirma ito mismo ng Department of Migrant Workers (DMW) office sa Malaysia.

Ang walong Pilipinong marino, kasama ang 12 Indian crew members ng MT Krishna 1, ay na-detain sa Johor, Malaysia noong Abril 11 dahil sa umano’y mga paglabag sa imigrasyon.

Ito’y matapos pumasok sa Malaysia nang walang mga pasaporte at wastong dokumento.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble