MALAKI ang ambag ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) para kalabanin ang mga teroristang grupo sa bansa.
Muli itong binigyang-diin ng Philippine Army sa gitna ng mga panawagan na buwagin na ang task force na binuo sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ayon kay Army Spokesperson Col. Louie D ema-ala, sa pamamagitan ng NTF-ELCAC ay nasa siyam na lang na mahihinang guerrilla fronts ang nananatili sa bansa.
Nasa 80-K na rin ang mga miyembro at mass supporters ng CPP-NPA-NDF ang nagsipagbalik-loob sa pamahalaan dahil sa NTF-ELCAC.
Si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay sinabi na ring ayaw nitong buwagin ang NTF-ELCAC.