UMABOT na sa 80 katao ang nasawi dahil sa Bagyong Paeng habang 31 ang nanatiling nawawala.
Ito ay batay sa huling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Linggo kung saan 38 ang kumpirmado nang nasawi habang 42 naman ay for validation.
Karamihan sa mga ito ay naitala sa Bangsamoro Region, SOCCSKSARGEN, Western at Eastern Visayas, Calabarzon, Zamboanga Peninsula at isa sa Bicol.
Ayon sa NDRRMC, higit 48 naman ang nasugatan.
Samantala, higit 1.174 million indibidwal o higit 339,051 pamilya na ang apektado ng Bagyong Paeng sa bansa.
Sila ay mula sa 3,547 barangay sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region (CAR), Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA at Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao Region, SOCCSKSARGEN, CARAGA at Bangsamoro.
Aabot naman sa 3,359 evacuation centers ang kasalukuyang tinutuluyan ngayon ng pamilyang apektado ng Bagyong Paeng.