80 porsyentong karahasan sa Martial Law ay galing sa CPP-NPA-NDF –Ka Eric

80 porsyentong karahasan sa Martial Law ay galing sa CPP-NPA-NDF –Ka Eric

PINATOTOHANAN kahapon ni Ka Eric sa programa na Laban Kasama ang Bayan na ang 80 porsyentong karahasan na nangyari noong Martial Law ay galing sa CPP-NPA-NDF.

Ayon kay Ka Eric, bago pa man maideklara ang Martial Law ay walang humpay na pang-aambush ang ginagawa ng Partido Komunista sa pwersa ng estado.

Dagdag pa ni Ka Eric, marami ring sibilyan ang nadamay dulot ng karahasang ginagawa ng komunistang teroristang kilusan.

Ani Ka Eric, ang naganap na pangbobomba sa Plaza Miranda ang naging hudyat ng Martial Law na sinundan ng barkong MV Karagatan na may bitbit na libu-libong mga armas para sa rebolusyong dala ng Partido Komunista.

Sa kabilang banda naman ay sinabi nito na mulat na ang mga tao at mahirap nang malinlang pa ng mga propaganda, gaya na lang sa panlilinlang sa kwento ng Martial Law.

Follow SMNI NEWS in Twitter