AABOT na ng walumpung probinsya ang lubos na maaapektuhan ng El Niño hanggang sa katapusan ng buwan ng Abril.
Mas mataas ito kumpara sa unang tansya na hanggang pitumput isang probinsya ang maapektuhan ng tagtuyot.
Ayon sa Task Force El Niño, tinututukan nila ang mga lugar tulad ng region 1, 2, 3, 4a, 4b, 6, 9 at 12 para dito.
Sa ngayon ay nasa labing anim na mga bayan na ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa El Niño.
Ang Occidental Mindoro naman ang pinaka-apektadong probinsya ng tagtuyot.