81 paaralan sa Region II, nakitaan ng pagkasira matapos ang magnitude 5.5 na lindol

81 paaralan sa Region II, nakitaan ng pagkasira matapos ang magnitude 5.5 na lindol

UMABOT sa 81 paaralan sa buong Region 11 ang nakapagtala ng pagkasira matapos ang magnitude 5.5 na lindol sa Maconacon, Isabela noong Mayo 4.

Ito ay base sa report na isinumite ng Department of Education (DepEd) sa Cagayan Valley Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa nasabing bilang, 2 paaralan sa Nueva Vizcaya ang dineklara ng lokal na pamahalaan at Bureau of Fire Protection (BFP) na hindi na ligtas na gamitin ng mga mag-aaral.

Ang 79 paaralan pa ay kasalukuyan ang assessment at validation ng lokal na pamahalaan, BFP at division engineers.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter