BINIGYANG-pugay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang lahat ng mga health workers na walang sawang naglilingkod sa kabila ng pagsubok na dala ng COVID-19.
Ayon kay Pangulong Marcos, labis na ipinagmamalaki ng administrasyon ang mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan.
Kaya naman, ani Pangulong Marcos, aasahan ng health workers na handa ang pamahalaan na suportahan ang mga ito.
Pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos ang health workers sa walang humpay na commitment nito sa usaping kalusugan at kagalingan ng bansa.
Nitong Mayo 7, ipinagdiriwang ng bansa ang walang sawang dedikasyon ng health workers na walang pag-iimbot na naglilingkod sa sambayanang Pilipino.
Nagpahayag na rin ng pakikiisa ang Department of Health (DOH) at lahat ng mga kaugnay na ahensiya nito sa pagdiriwang ng National Health Workers’ Day.
Bilang pangunahing ahensiya ng Department of Health (DOH) sa bansa, binigyang-pugay rin ng DOH ang lahat ng mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan na naglilingkod sa mga tao sa pangalan ng Universal Health Care.