NAKAPAGTALA na ng 85 arestadong indibidwal ang GCash mobile app dahil sa panloloko.
Bunga ito ng kanilang pinalakas at pinaigiting na security features para labanan ang paglaganap ng digital crimes o cybercrimes sa bansa.
Batid ng GCash ang mainit na usapin kaugnay sa scam kung kaya’t hinihimok nito ang lahat ng kanilang users na mag-ingat at agad na isumbong sa kanilang tanggapan ang mga kinakaharap na anomalya o problema sa online transaction.
Para naman sa kaalaman ng publiko na gumagamit ng serbisyo ng GCash, pinayuhan ang mga ito na regular na magpalit ng password, mag-uninstall ng mga applications na hindi na ginagamit, burahin ang user account na hindi na masyadong ginagamit.
Gumamit ng anti-virus program mula sa mga eksperto.
Iwasan ring i-share ang MPIN o OTP sa sinuman, huwag basta basta magbubukas ng mga senders na hindi mo kilala at iwasan ang mag log sa GCash gamit ang public wifi.