959 barangay, makikinabang sa Barangay Development Program sa 2023 – DILG

959 barangay, makikinabang sa Barangay Development Program sa 2023 – DILG

AABOT sa 959 na mga barangay ang makikinabang sa P10-billion na pondo para sa Barangay Development Program (BDP) ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa susunod na taon.

Sa budget briefing ng DILG para sa 2023 proposed national budget, giit ni DILG Usec. for Local Government Marlo Iringan, ang mga barangay na sakop ng BDP ay ‘identified’ and ‘cleared’ mula sa presensya ng communist terrorist groups (CTGs).

Natukoy rin ng DILG ang pangangailangan ng mga barangay na ito kaya nasama sila sa listahan ng BDP.

Matatandaan na malaki ang naging role ng BDP sa laban ng pamahalaan kontra CPP-NPA-NDF sa nagdaang Duterte administration.

Gamit ang good governance sa pangunguna noon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, naghatid ng iba’t ibang proyekto ang BDP gaya ng livelihood programs, farm-to-market roads, health centers, school buildings, electrification systems, potable water systems at financial assistance sa ‘indigent individuals and families.’

Dahil dito, maraming barangay na sympathizer ng mga makakaliwa ang nagbalik-loob sa pamahalaan at tumutulong na sa intelligence gathering laban sa mga kalaban ng estado.

Follow SMNI NEWS in Twitter