SUMABAK sa Presidential Security Group (PSG) training sa Malacañang Park Manila ang actor-host na si Matteo Guidicelli.
Sa social media post, ipinakita ng PSG ang mga larawan ng Class 129 ng “Very Important Person Protection Course” (VIPPC) na kinabibilangan ni Matteo.
Layunin ng programang ito na tiyakin ang proteksyon ng Pangulo ng Pilipinas at ang First Family.
Matatandaan na kamakailan lang nang magtapos sa training bilang army reservist si Matteo ng Armed Forces of the Philippines at binigyan ng ranggong probationary 2nd lieutenant.
Ayon sa PSG, si Matteo ang kauna-unahang Philippine celebrity reservist na sumabak sa PSG VIPPC training.
