NAKAUWI na ang isa pang grupo ng overseas Filipino worker (OFWs) mula sa Sudan.
Aabot sa 99 OFWs ang dumating nitong Linggo lulan ng Saudi Airlines Flight SV870.
Personal naman itong sinalubong ni Migrant Workers Secretary Susan Ople.
Ani Ople, ito na ang 3rd batch ng mga Pilipino na nakauwi sa bansa mula sa 340 na nailigtas sa Sudan.
Sa kabuoan, aabot na sa higit 250 ang naiuwi na sa Pilipinas mula sa kaguluhan sa Sudan.
Makatatanggap ang bawat OFW ng P100,000 assistance mula sa pamahalaan.