Hidwaan ng China at Pilipinas sa WPS, hindi maresolba dahil sa court ruling hinggil sa 2005 Joint Exploration

Hidwaan ng China at Pilipinas sa WPS, hindi maresolba dahil sa court ruling hinggil sa 2005 Joint Exploration

MARAMING mga bagay ang maapektuhan dahil sa ruling ng Korte Suprema kaugnay sa sana’y joint exploration ng China, Vietnam at Pilipinas noong 2005.

Ayon kay Atty. Harry Roque, unang-una dito ang hindi pagkakaresolba ng hidwaan sa pagitan ng China at Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Pangalawa, hindi mapapakinabangan ang resources na matatagpuan sa ilang parte ng WPS partikular na sa Recto o Reed Bank.

Nilinaw ni Roque na ang Reed Bank, bagamat saklaw ng exclusive economic zone, tanging sovereign rights lang meron ang Pilipinas dito.

Iba aniya ang pagkakaroon ng sovereign rights at pagiging sakop nito sa mismong soberanya ng Pilipinas.

Follow SMNI NEWS in Twitter