HUMILING ang Korte Suprema ng pang-unawa sa mga motorista at mga pasaherong apektado ng road closures sa ilang mga kalsada na malapit sa mga lugar na pagdarausan ng 2022 Bar Examinations na sinimulan ngayong araw.
Sa Metro Manila ay partikular na isinara ang ilang kalsada malapit sa De La Salle University, San Beda University, at Manila Adventist College mula 2:00 am hanggang 7:00 pm ang Estrada Street (Taft South Bound) hanggang Quirino Street (Taft) sa Maynila.
Mula 2:00 am hanggang 8:00 am at mula 3:30pm hanggang 7:00 pm naman sarado sa trapiko ang Estrada Street (Taft North Bound) hanggang Quirino Street (Taft), gayundin ang Fidel corner Noli Street sa likod ng DLSU ay sarado mula 2:00 am hanggang 7:00 pm.
Sa San Beda sa Maynila, hindi madadaanan ang Concepcion Aguila Street at Mendiola Street ( mula C.M Recto Intersection hanggang Concepcion Aguila Street), habang sa Manila Adventist College naman sa Pasay, sarado ang kanto ng San Juan Street at Donada Street hanggang Leveriza Street mula 3:00am hanggang 7:00 pm.
Wala namang road closures sa UP sa BGC at sa Ateneo de Manila sa Katipunan, Quezon City na pagdarausan din ng Bar Exams pero asahan na anya ang pagbigat ng trapiko sa mga nasabing lugar.
May road closures din sa mga kalsada malapit sa iba pang unibersidad at kolehiyo na magsisilbing local testing centers sa Luzon, Visayas, at Mindanao para sa Bar Exams na sinimulan kanina at masusundan pa sa November 13, 16, at 20 at umabot sa 9,821 ang mga Bar examinees.