ISINUSULONG ngayon ni Senator Raffy Tulfo na amyendahan ang Republic Act 9492 o Holiday Economics Law.
Sa inihain na Senate Bill ni Tulfo, nais nitong ilipat sa Lunes ang lahat ng holiday na papatak ng weekend o araw ng Sabado at Linggo.
Ito ay upang mapalakas aniya ang domestic tourism at maisulong ang work-life balance sa mga empleyado at estudyante.
Naniniwala si Tulfo na ang mahabang weekend ay makakatulong upang mabawasan ang stress ng mga empleyado at estudyante.