Japan at India, nagsagawa ng kauna-unahang joint fighter drill

Japan at India, nagsagawa ng kauna-unahang joint fighter drill

NAGSAGAWA ang Japan at India ng kauna-unahang joint fighter drill na una nitong napagkasunduan taong 2019.

Sinimulan na ng Japan at India ang kauna-unahan nitong joint fighter jet drill malapit sa Tokyo.

4 na F2 at 4 na F15 fighters mula sa Japan air self-defense force ang dumalo sa 11 araw na combat training hanggang Enero 26 malapit sa Hyakuri Air Base sa Ibaraki Prefecture.

Sa Indian Air Force naman, 4 na Su-30MKI fighters, dalawang C17 transport aircraft at isang Il-78 refueling tanker ang lumahok.

Ang joint exercise na ito ay na-postpone dahil sa pandemya noong 2020 matapos mapagkasunduan ng defense ministers ng dalawang bansa na isagawa ito taong 2019.

Matatandaan na ang India ang ikalimang bansa na naghost ng bilateral exercise kasunod ng Estados Unidos, Australia, Britain at Germany.

Ang Japan at India ay bahagi ng 4 country security framework na Quad kasama ang Estados Unidos at Australia.

Layunin ng grupong ito na tapatan ang lumalakas na pwersa ng China sa rehiyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter