2 tauhan ng BI na umano’y sangkot sa trafficking, sinibak

2 tauhan ng BI na umano’y sangkot sa trafficking, sinibak

SIBAK sa pwesto ang dalawang tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na umano’y sangkot sa trafficking activities sa Clark International Airport (CIA) at Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Commissioner Norman Tansingco, nakatanggap sila ng impormasyon na sangkot ang dalawang BI personnel sa trafficking syndicates.

Aniya, iniimbestigahan na nila ito at sakaling mapatunayang totoo ay maghahain sila ng karampatang mga kaso sa Department of Justice (DOJ).

Bilang preventive measure, sinabi ni Tansingco na pansamantalang itatalaga ang dalawang BI personnel sa back-end office duties habang nakabinbin ang imbestigasyon.

Muli namang nagbabala si Tansingco sa mga empleyado ng ahensya na huwag maging sangkot sa iligal na mga aktibidad kung hindi ay mahaharap sa kasong administratibo, suspensyon o dismissal.

Follow SMNI NEWS in Twitter