DepEd, palalakasin ang seguridad at mental health efforts sa mga paaralan

DepEd, palalakasin ang seguridad at mental health efforts sa mga paaralan

TINIYAK ng Department of Education (DepEd) na palalakasin nito ang koordinasyon at mga interbensyon para sa mga alalahanin sa seguridad at mental health sa gitna ng mga naiulat na insidente ng karahasan sa paaralan.

Ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa, inutusan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang mga otoridad ng paaralan na makipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP) at magsumite ng mga ulat sa mga aksyong ginawa sa paaralan.

Aniya inatasan din ni VP Sara ang field operations na mag-isyu ng direktiba para sa lahat ng regional offices at schools division offices na makipag-ugnayan sa kanilang mga PNP counterparts sa rehiyon, lungsod at munisipyo.

Samantala, sinabi ng DepEd na kukuha ito ng mga mental health expert para tumulong sa pagtugon sa mga sitwasyon sa mga paaralan.

Follow SMNI NEWS in Twitter