BINIGYANG diin ni dating legal counsel ng dating administrasyon na si Atty. Salvador Panelo na dapat si Vice President Sara Duterte ang gawing Executive Secretary ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Paliwanag ni Panelo na ang bise presidente ang dapat kapartner ng Pangulo sa pamamahala ng bansa.
Kung si VP Duterte aniya ang magiging executive secretary ni Pangulong Marcos ay lalong mas mamomonitor ang lahat ng kagawaran.
Dagdag pa nito na si VP Duterte ay matapang, may malasakit at mapagkakatiwalaan pa ng Pangulo.
Giit pa ni Panelo na kung hindi mapagkakatiwalaan ni Pangulong Marcos si VP Duterte ay hindi siya itinalaga bilang OIC ng bansa.
Kaya aniya nararapat lamang na si VP Sara ang italagang Executive Secretary.