Ben&Ben at Ely Buendia, pangungunahan ang Clark Aurora Music Festival

Ben&Ben at Ely Buendia, pangungunahan ang Clark Aurora Music Festival

NAKATAKDANG pangunahan ng Ben&Ben, Parokya ni Edgar, at ni Ely Buendia ang ikalawang edisyon ng Clark Aurora Music Festival na gaganapin sa buwan ng Abril.

Kasunod ng tagumpay ng inaugural staging nito noong nakaraang taon, nakatakdang magbalik ang festival sa April 15-16 kung saan magtatanghal din ang mga pinakasikat na pangalan sa industriya.

Maaari ding asahan ang performance sa 2-day show sa Clark Global City ng December Avenue, Arthur Nery, Adie, MRLD, at Lola Amour.

Magpe-perform din ang mga iconic band na Kamikazee, Sponge Cola, Silent Sanctuary, at Mayonnaise. Clark Aurora

Highlight din ng nasabing music festival ang hot air balloons display na aasahang paiilawin sa skyline ng Clark habang ginaganap ang concerts.

Follow SMNI NEWS in Twitter