₱18.6-M halaga ng imported na sibuyas, nasabat sa Zamboanga City

₱18.6-M halaga ng imported na sibuyas, nasabat sa Zamboanga City

NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) Port of Zamboanga (POZ) ang nasa P18.6 milyong halaga ng puslit na sibuyas sa Brgy. Ayala, Zamboanga City noong Enero 25.

Sa pamamagitan ng Water Patrol Division, naharang ng POZ ang 5,611 mesh bags ng imported na pulang sibuyas na nagkakahalaga ng P8.5 milyon at 2,249 mesh bags ng imported na puting sibuyas na nagkakahalaga ng P10.1 milyon sa isinagawang maritime patrol operation.

Sakay ang mga kontrabando sa isang vessel na may markang “MV Princess Nurdisza” na umano’y nagmula sa Taganak, Tawi-Tawi at patungong Brgy. Baliwasan sa Zamboanga.

Ayon sa BOC, nabigo ang crew na ipakita ang kanilang sanitary and phytosanitary import clearance na mula sa Department of Agriculture (DA)-Bureau of Plant Industry.

Dinala na ang mga nakumpiskang sibuyas sa research center ng DA sa Brgy. Talisayan, Zamboanga City para sa safekeeping.

 

Follow SMNI News on Twitter