China-Laos-Thailand rail link, pinaplano na

China-Laos-Thailand rail link, pinaplano na

INIHAYAG ng Department of Rail Transport na ang Thailand at Laos ay nag-uusap na sa potensyal na China-Laos-Thailand railway link na posibleng magpababa sa cargo transport costs sa 30-40% sa susunod na 3 hanggang 5 taon.

Bumisita kamakailan sa Laos sina Athipu Chitranukroh, Deputy Director-General ng DRT at Kitjaluck Srinuchsart, Deputy Director-General ng Customs Department para pag-usapan ang bagay na ito.

Ang High Speed Network ay idedevelop kasama ang kasalukuyang imprastraktura na malaki ang benepisyo sa Thailand at iba pang karatig bansa.

Inihayag ng gobyerno na ang export at import trade value sa Thai-Lao border checkpoint sa Nong Khai province ay nagkakahalaga ng 99.2 billion baht.

Sa kabila ng pandemya, ang border trade ay lumago pa rin noong nakaraang taon kung saan umangat ito sa 39% o nagkakahalaga ng 28 bilyong baht.

Maliban sa High Speed Train Network, ang staff sa dalawang departamento ay bumisita rin sa lokasyon ng bagong Khamsavath Railway Station sa Vientiane.

Ang istasyon ay higit 7 km ang layo mula sa Thanaleng Railway Station na nagkokonekta sa Nong Khai province ng Thailand.

Follow SMNI NEWS in Twitter