Mga taga DA at DTI, pinatawag sa Kamara vs onion cartels

Mga taga DA at DTI, pinatawag sa Kamara vs onion cartels

PINATAWAG sa Kamara ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) para maglunsad ng crackdown laban sa cartel ng sibuyas at iba pang agricultural products.

Personal silang hinarap ni House Speaker Martin Romualdez at iba pang house leaders.

Ayon sa Office of the Speaker, ang paglaban sa manipulasyon sa presyo ng sibuyas at iba pang produkto ang pinakapangunahing paksa ng pagpupulong.

Nauna nang nagbabala si Speaker Romualdez laban sa mga cartel na bilang na ang araw ng mga ito dahil nangangalap na sila ng ebidensya para sampahan ang mga sangkot.

Diin ng lider ng Kamara, malinaw na ‘economic sabotage’ ang ginagawa ng mga cartel at dapat silang mapanagot sa batas.

Nauna na ring ipinag-utos ni Romualdez ay arawang monitoring sa presyo ng sibuyas pati na ang bawang sa mga merkado.

Follow SMNI NEWS in Twitter