Bagong Right of Way Act na pabor sa gobyerno, pasado na sa Kamara

Bagong Right of Way Act na pabor sa gobyerno, pasado na sa Kamara

LUSOT na sa ikatlo’t huling pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na aamyenda sa Right of Way Act (RA 10752).

Sa botohan sa plenaryo, 239 na kongresista ang bumoto pabor sa House Bill 6571 na layong mapabilis ang pagbili sa mga property na masasagasaan ng mga proyekto ng gobyerno.

Sa proposal na nakalusot sa Kamara, papayagan ang mga ahensya ng gobyerno na alukin ang may-ari ng apektadong ari-arian ng presyo batay sa market value o zonal value nito.

Habang ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ang magsasapinal sa presyo ng property kaakibat ng pagkokonsidera sa property na nakatayo sa bibilhing lupa ng gobyerno pati na ang mawawalang kita dito.

At kung pirmado na ang deed of sale ng lupa ay babayaran agad ito ng estado kung wala nang sabit sa transaksyon.

Ayon kay Speaker Martin Romualdez, dapat mag ‘give way’ ang private ownership para hindi mabalam ang mga proyekto ng pamahalaan.

Follow SMNI NEWS in Twitter